tama ba?

mgiging tama ba?

okey lang bang umasang maging masaya… kahit panandalian lang?

 

FEB2′09-MONDAY.

nahuhulog na ang mga dahon na parang apoy na nakasabit sa sanga ng puno.

nakakatuwang panoorin.

masayang alalahanin na minsan naging masaya ka.

 

****

 

kahit nalulungkot ako… wala akong ibang mahiling para sa kanya kundi ang maging masaya. sana masaya na siya.

 

JAN30′09-FRIDAY.

minsan may nagagawa tayo na nakakahiya. malaking pagkakamali. hindi sinasadya. ang makulit pa dun…                hindi natin alam kung nahihiya lang ba tayo sa iisipin ng iba tungkol saten o masyado lang tayong nasasaktan.

 

 

****

ang paglayo sa bagay o taong nakakasakit sa atin…

madali lang….

madaling isipin.

MADALING GAWIN.

 

 

 

 

 

pero ang hirap maramdaman.